Coming Home
builder2018-10-24T15:17:56+08:00#YouAreLoved at #TheFeast I met this girl in college. She was a good companion, maayos kausap, at masayang kasama. Eventually, we engaged into a romantic relationship. Ang definition ko ng love noon was “I will give everything.” So I eventually gave myself and everything to this girl. Mahal ko eh! Basta masaya siya, okay na ako kahit hindi ko unahin ang sarili ko. Hanggang sa hindi na ako nagsisimba kasi I was so focused on her. Dito na rin ako nagsimulang maka-experience ng premarital sex, and we became addicted to it. Kabibigay namin ng sarili namin sa isa’t isa, huli na nang ma-realize namin na nauubos na ang pagkatao namin. Lagi na kaming nag-aaway. Mabilis na akong mainis at magalit. Naging on and off ang relationship namin until eventually, we decided to break up. Ang natatandaan kong dahilan ng break-up ay dahil din sa addiction ko sa computer games. #DOTA #LOL pa more! March 2015, I started flirting with different girls and engaging in premarital sex. I did these things to feed my addiction. Gusto ko ring patunayan kay Ex na hindi lang siya ang babae sa mundo at kaya ko pang magmahal ulit. Days passed, I realized na siya pa rin ang gusto ko. I prayed na makapag-usap kami ulit. It happened eventually, but I was too late. Meron na siyang iba, and three months nang pregnant. I didn’t blame her, kasalanan ko naman talaga kung bakit siya nawala. THE GRAVEST SIN After that, I became devastated and depressed, so I continued my vices and addiction. I went to different bars alone. I hooked up with different girls. Then another storm came into my life. Nakabuntis ako ng ibang babae. ‘Di ko alam ang gagawin ko kasi ‘di ko naman siya mahal. And this is the first time that I’m sharing this in writing… Sa takot ko, I asked her to ABORT THE CHILD. So it happened. I committed the gravest sin. It’s all on me. Fast forward, I was so scared kay God. Sobrang lumayo ako sa Kanya, and hindi ako makatuntong sa simbahan. I accepted my fate na wala na talaga. I even thought of killing myself kasi alam kong sa impiyerno na ako didiretso eh. Kaya lang natakot din akong patayin ang sarili ko. I even ended up asking God na kunin Niya na lang ako. I lived like a walking dead. ‘Yung tipong gigising ka, you feel empty and guilty. Walang direction sa buhay. November 2015, my auntie told me na pumunta ng Kerygma Conference. Sabi ko, “Ha? Ano ‘yan? Alive-alive, alien-alien ‘yan eh!” “Naku! Naibili ka na ng ticket.” “‘Wag na. Benta n’yo na lang sa iba.” Then eventually, na-convince niya ako. “Maraming chicks dun!” Sabay sabi ko, “Ah, sige. Saan ba ‘yan? Ito na nga, magbibihis na ako eh.” FINALLY HOME So I went to Kerygma Youth Conference 2015. Pagpasok ko pa lang, kinilabutan na ako. Hindi ko maintindihan. ‘Yung purpose kong mang-chicks sana naiba. I started raising my hands. Hindi ko namalayang unti-unti nang pumapatak ang aking