#YouAreLoved at #TheFeast

May tao akong hindi mapatawad eh. Sobrang baba at sama ng tingin ko sa kanya. Wala siyang kuwenta. Sobrang dumi. Galit ako kasi ganon s’ya. Naiinis ako kasi lagi niyang sinasaktan ‘yung sarili niya. Nito lang, gigilitan na niya sarili niya, kaso nakatulog. Lasing na lasing kasi.

Someone ruined her childhood. Siguro mga 5 to 7 years old siya noon. Malayong pinsan niya. Lagi kasi siyang naiiwan sa bahay ng mga ‘yun. Ilang beses naulit. I hate her for not fighting.

REVIVED

I was invited to join the Love Life Retreat ng Feast Singles last year pa. Pero I always refused to. Dumating pa sa point na tinataguan ko ‘yung friends kong nag-i-invite sa ‘kin. (Sorry, guys! ?) Ang thinking ko: “Ano ba ‘yang LLR na ‘yan? Ang mahal, tapos two days lang.”

Then this year came. ‘Yung friends ko, servants. So I felt safe. (Friendly ako, pero takot din kasi akong makipag-socialize. Takot ako sa judgment ng tao.) Na try ko lang kaya? Baka naman… Baka kasi okay naman?

Ewan ko ba, pagdating pa lang ng retreat house, may kakaiba na akong feeling. So I prayed for guidance, for renewal, for God to fill my heart sa emptiness na nafi-feel ko. Na tulungan Niya akong i-surrender kahit noon lang ‘yung mga bagaheng dala-dala ko. (That was the only time na nag-pray ako ulit kay God nang sincere.)

And the whole retreat had been a roller coaster ride for me. I got scared kasi ‘di ko alam kung ano ba talaga’ng mangyayari. I sought His help, pero I knew it was on me. Na ako lang naman talaga ang magde-decide kung io-open ko ‘yung puso ko sa Kaniya.

Hindi pa man ako nakakalabas ng retreat house, I knew my life has been changed. ‘Yung feeling na hindi ko pa nararamdaman sa buong buhay ko. Parang ano eh, ako ‘yung lifeline na dumating na sa straight line. Pero dahil ginusto ko pang lumaban, na-revive ako.

SET FREE

At itong susunod kong sasabihin, it’s a testimony of how I encountered God in that retreat.

‘Yung taong hindi ko mapatawad, ngayon napatawad ko na.

Oo, NAPATAWAD KO NA ‘YUNG SARILI KO. Pinatawad ko na ‘yung sarili ko, kasi pinatawad na Niya ako. I felt Him tapping my back while whispering na, “Anak, patawarin mo na ‘yung sarili mo. Mahal kita kahit ano pa’ng nagawa mo.” Naramdaman kong gumaan ‘yung puso ko kasabay ng bawat patak ng luha ko. Na-feel kong sa wakas, lumaya na ako sa rehas ng nakaraan ko.

I don’t know if it was rape. Pero he was always touching—. He told me na kahit magsumbong ako, walang maniniwala.

Alam kong hindi ako galit sa taong ‘yun. Pinagdasal ko pa ngang ‘wag na sana niyang ulitin sa iba. Na sana hindi na ‘to mangyari pa sa iba. Pero sa tuwing maaalala ko, masakit. Sobrang sakit na bakit kaya sa dinami-dami ng bata, ako pa ‘yung nakaranas. Pero other part of me, mas mabuti palang ako na lang kaysa sa ibang tao pa nangyari.

Lumaki akong dala-dala ‘yun nang walang nakakaalam. Dahil ang pakiramdam ko’y wala namang maniniwala. So I ended up being like this, I always need validations. Pero at the end of the day, feeling ko ‘di pa rin sila naniniwala sa kahit anong sinasabi ko. I doubt people. I always feel undeserving of the love I receive.

Hanggang sa nagmahal ako ng mga tao at palaging nagkakamali. Ibinibigay ko ang lahat, akala ko kasi mamahalin nila ako ‘pag ganon. Akala ko malandi lang ako, but I realized that there is something in me. Kasi after kong gawin ‘yun, nire-regret ko. I looked down on myself, na sobrang dumi ko talagang tao.

Akala ko, forever ko nang titingnan ang sarili ko as ganon.

Pero, huhuhu, the Lord set me free. ?

OUT FROM THE DARK

Nakakaiyak kasi He was there all along. Pero ako, naka-focus lang sa kung anong sakit ‘yung nafi-feel ko. Naka-focus sa kung ano ‘yung nangyari sa nakaraan ko. Naging comfort zone ko ‘yung darkness for the longest time.

Iba talaga ‘pag tinanggap mo na ulit si Lord sa buhay mo eh. Parang alam mo ‘yun, may konting liwanag pa pala, tapos “exit” pa ‘yung liwanag na ‘yun. “Dito ka lalabas, Anak.”

Na-let go ko na ‘yung mga bagaheng dala ko nang pagkatagal-tagal na. Na-realize ko, pinagdaanan ko ‘yung ganong bagay for me to understand people na nakaranas din ng ganon. Hindi ko siya naranasan para sirain lang ako. Para pala maka-bless ng tao.

Yung brokenness pala talaga natin ‘yung makaka-bless ng iba. Para ma-feel nila na ‘di sila nag-iisa.

Natutunan ko ring magpatawad ng mga taong alam kong sobrang nakasakit sa akin. ‘Yung kahit ‘di ko sila nakausap, I know na through God, nagawa ko ‘yun. At ang sarap sa pakiramdam na finally, nakuha ko ‘yung peace na hinahanap ko. 

Categories

This Is A Custom Widget

This Sliding Bar can be switched on or off in theme options, and can take any widget you throw at it or even fill it with your custom HTML Code. Its perfect for grabbing the attention of your viewers. Choose between 1, 2, 3 or 4 columns, set the background color, widget divider color, activate transparency, a top border or fully disable it on desktop and mobile.