#YouAreLoved at #TheFeast

Bata pa lang ako ay excited na akong magdalaga sa kadahilanang sabik na akong matagpuan ‘yung “true love” ko. Marahil sa kapapanood ko ng love stories sa TV kaya nagmamadali akong maramdaman ‘yung kilig na dala ng pagiging in love kuno.

MALING MGA TAO, MALING PANAHON

College na ako nang makilala ko ‘yung inakala ko na tamang “partner” para sa akin. Bakit kamo “partner”? Dahil hindi ito ‘yung normal na boyfriend-girlfriend relationship. Nang mga panahon na ‘yon, ang tawag sa kanila ay “T-bird. ” Yes, tomboy or lesbiyana kumbaga. Sa kanya ko kasi naramdaman ‘yung unang kilig at pagpapahalaga na inaasam ko. Kapag kasama ko siya, sobrang espesyal ko at nawawala ‘yung pananaw ng iba sa pinasok kong relasyon.

Pero bago ako nagtapos ng kolehiyo ay natapos na rin ang aming relasyon. Yes, siya ang unang heartbreaker ko.

Pagkatapos ng kolehiyo ay madami rin akong nakarelasyon. Habang palipat-lipat ako ng trabaho, patuloy rin akong naghahanap ng taong totoong magmamahal sa akin. Meron din akong mga nasaktan, pero madalas, ako ‘yung iniiwan. At every time, basag na basag ‘yung pakiramdam ko. Totoo pala ‘yung sinasabi ng iba na sa tuwing masasaktan sila ng taong mahal nila, parang tumitigil ‘yung mundo sa pag-ikot at tipong ayaw mo nang umusad ‘yung buhay mo. Pira-pirasong puso ang peg.

MALING PAGMAMAHAL

Eh kailan nga ba nagiging mali ang magmahal? Siguro ang sagot ko ay kapag mas madami kang masasaktan kaysa sa mapapasaya. Alam ko dahil makailang beses kong nagawa. Ewan kung dahil ba sa nagrebelde na ako sa idea ng “true love” o dahil sadyang curious lang akong malaman kung paano mahalin bilang isang “mistress” kahit sa maikling panahon lang.

Nakakahiya dahil ito ‘yung mga panahong nagsisimula na akong maglingkod sa isang charismatic community sa pag-iisip na mababawasan ko kahit paano ang mga naging kasalanan ko.

TRUE LOVE

In my journey of finding my One True Love, I found out that I was searching in all the wrong places that’s why I was always picking the wrong person to enter my life. Nang pinahintulutan kong pumasok sa puso ko si Hesus, doon ko naramdaman ‘yung pagpapahalagang matagal kong hinanap. At sa sobrang kilig, napahagulgol ako ng iyak at binalot ng tuwa ang buong pagkatao ko na hindi ko akalaing mararamdaman ko. Iyan ay despite all the heartaches I caused our good Lord noong hindi ko Siya inuuna sa buhay ko dahil busy ako kahahanap ng love life na inaasam ko simula’t sapul magdalaga ako.

Dalawang taon kong binuo ‘yung pira-pirasong “peg” ng puso ko. Dati-rati, hindi maaaring wala akong boyfriend nang matagal dahil sa kanila ko inaasa ‘yung pagmamahal na “kaya ko” naman palang ibigay sa sarili ko. “Kaya ko” na dahil pinuno na ako ng pagmamahal ng Diyos; siksik, liglig, at umaapaw pa. Naging sapat na para sa akin ‘yung pagmamahal ng pamilya at mga kaibigan ko.

Sabi ko sa sarili ko, okay na ako kahit hindi ko na makita ‘yang “true love” na ‘yan. Basta’t alam kong mahal ako ni Lord, iyon ang tiyak kong hindi magbabago.

TAMANG TAO, TAMANG PAGMAMAHAL SA TAMANG PANAHON

2014. Nabulabog muli ‘yung puso kong matagal ko ring binuo. Takot ako siyempre kaya panay ang dasal ko at hingi ng signs kay Lord if tama na ba ito, handa na kaya ako. Sa tuwing babalutin ako ng takot ay tila may bumubulong sa akin ng, “Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan? Sagot ko ang puso mo!” ‘OMG! Lord, Ikaw ba ‘yan?!’

Pikit ang isang mata at tiwala sa Kanya, binigyan ko ng pagkakataon ang puso kong kaka-renovate lang. Fast forward 2017, hinarap namin ang altar para manumpa ng pagmamahal sa harap ng pinakamamahal naming Diyos na gumabay sa relasyon namin. Yes, meron ngang forever (kahit sa lifetime lang na ito).

Wala akong ibang maramdaman sa ngayon kung ‘di gratitude. ‘Jesus, thank You for all that I have!’ This week I read somewhere (and I agree) that sometimes, we experience subtraction in our life. But what we think na subtraction is really an addition, because what was taken away creates space for better things to come.

So now, we’re getting ready for more! 

Categories

This Is A Custom Widget

This Sliding Bar can be switched on or off in theme options, and can take any widget you throw at it or even fill it with your custom HTML Code. Its perfect for grabbing the attention of your viewers. Choose between 1, 2, 3 or 4 columns, set the background color, widget divider color, activate transparency, a top border or fully disable it on desktop and mobile.