I’m just an ordinary boy. Simple lang, happy-go-lucky, masayahin, at laging gala. Until 8th of April 2016. That day, bumaliktad lahat ng sinabi ko.
Noong araw na ‘yon, my Nanay joined our Creator. Inatake. Wala ako sa tabi niya; I was in Bohol. May international conference kami, and magple-play ako roon for the battle of the bands.
Mundo’y nadurog. Ni hindi ko alam kung paano pupulutin ang bawat piraso. Kung may degree program lang siguro sa pagmu-move on, malamang nag-enroll ako agad. Kasi no words can express kung gaano kasakit.
PAGKALIGAW
Alam ko, masayahin ako. But suddenly, I found myself listening to “emo” songs. Mga tipong “Will You Ever Learn” ng Typecast o ‘yung “Let Me Be The One” ni Jimmy Bondoc. Even love songs, pinapaiyak ako. Natatandaan ko, one time, pinatugtog sa radyo ‘yung “Remember Me This Way,” hagulgol ang kuya mo. Every lyric, besh!
Nawala ako. Naging theme song bigla ng buhay ko ‘yung kantang “Where Do Broken Hearts Go?” Paano ko nasabi?
That time, may service ako sa isa ko pang community. ‘Yung service ko roon, pambuong probinsiya. Mataas na talaga. Binitawan ko ‘yun. Hindi na ako nagpakita pang muli. ‘Di na rin ako um-attend pa ng kahit anong prayer meeting o assembly.
I was the youngest leader in our province noong naupo ako. When you are at the peak of something, someway somehow, everything seems perfect pala.
At ayun na nga, sunod-sunod na ang pagbabago sa buhay ko. ‘Di na ako nagsisimba. ‘Di na rin ako nagdarasal. Para saan pa nga ba ang pagdarasal? Nasaan Siya noong naghihingalo si Mama? Nakalimutan ko na ring mangarap. Para saan pa nga ba ang pangarap? Kung wala na si Mama para masilayan niya na maabot ko ‘yun? Nakalimutan ko na ring ngumiti. Para saan pa? Ang isang dahilan ko ng kasiyahan, ‘di ko na kasama.
Kung ano-ano ang mga pinaggagawa ko sa buhay ko. Ang dami kong pinaggagawa na talagang matitindi. (Secreeeeeet, walang clue!) Naghahanap ng panandaliang lunas.
Nga pala, apat kami sa pamilya. Ako, kuya ko, si Mama, at si Tatay. But since my mom left, kaming boys na naiwan, nagkalayo-layo ang loob. Iba-iba kasi kami ng paniniwala (literal kasi magkakaiba kami ng religion) at pananaw sa buhay. Naisip ko, ang lakas pala talaga ng role ng isang ina sa isang pamilya, ‘no? Sobrang importante. Kaya pala ilaw ng tahanan. Kasi sa gitna ng kadiliman, magbibigay siya ng tanglaw sa kapaligiran.
At ayun nga, ako na lang ang naiwang mag-isa. Literal din. Si Kuya ko, ‘di na sa bahay nakatira. Si Tatay, nasa Cebu na. I have to be responsible in every move. Adulting. Shookt!
Almost every day, bago ako matulog, sobrang blangko. Stress, depression, at lungkot would strike. Gutom din, kasi ‘di ako marunong magluto; lagi akong nakikikain sa ibang bahay. Kaya ang ginagawa ko na lang, lagi akong nasa galaan, gigs, bahay ng kaibigan. 11pm onwards lagi ang uwi ko. Naghahanap ng mapaglilibangan, ng mapupuntahan, ng magagawa, para lang maiwasan ang pagkagat ng kalungkutan.
PAGBALIK
Then August 2016, sumubok ulit akong pulutin ang mga pira-piraso ng puso kong nadurog na nakakalat sa sahig. Um-attend ako ulit ng Feast, sa Fairview Terraces. (Sa Feast Manila ako uma-attend dati.) Ang dami kong natututunan sa mga talk. Then nag-try akong mag-audition sa Music Ministry. Nakuha ako, kaya every Sunday, nagse-serve na ako as drummer. Then there’s Youth Conference, Grand Feast, etc. I found myself again, naka-recover.
Ayun. From dead kid to bibo kid real quick ang peg ko. Naggi-gig ako ulit. Nanonood ng mga banda. At nagraraket din. (Freelance photographer and videographer din kasi ako.) Travel dito, travel doon. Kapag weekdays, isang empleyado. Mas madalas na rin akong magsulat—mga kanta, tula, at kung ano-ano pang kuwentong pepot. Last June, pumasok din ako sa Media Ministry ng Feast Fairview Terraces as writer and photographer/videographer.
IKOT
May salita bang next to busy? Kung meron, ‘yun ako. Haha. Sinubukan kong bumalik sa dati kong sigla. (Nakalimutan ko na rin kasi dating makaramdam nang totoo. Sobrang numb. Kunwari, masaya ‘yung moment, pero ako, “Ah, okay.”) Bagama’t ang aking nanay ay tuluyan nang namahinga, ako… ayoko. Ayokong magpahinga. ‘Di uso sa ‘kin ‘yun. Pero haler?! S’yempre aalagaan pa rin natin ang ating sarili.
Sa pagkawala ni Mama, naisip ko na nauubos ang panahon. Kaya love, serve, and be selfless. Be excellent in every aspect of your life. Show them na may isang magaling na Kristo na malupit gumalaw sa buhay mo. Hangga’t may oras, live your life well. Sayang ang bawat segundo na malungkot ka at wala kang ginagawa. Inom kang Enervon! Mga tatlo! Para hyper all the way!
Ganun lang naman eh. Tuloy-tuloy lang ang ikot ng mundo. At kung maiwanan man ako, may isang Diyos na handang bumalik sa akin at hindi ako pababayaan. (“Ikot” by Stonefree).
Nagtra-travel akong mag isa. Nanonood ako ng sine mag-isa. Kumakain ng almusal, tanghalian, at hapunan nang mag-isa. Gastusin, pagkain, sagot kong mag-isa. Nabubuhay akong mag-isa.
Mag-isa. Nakakatakot pakinggan. Lalo na sa mga mag-BF/GF.
Kahit kailan naman ay hindi tayo nag-iisa. Nandoon ang Diyos noong ang ulap ko’y madilim at umuulan nang malakas. Nandoon din Siya noong kulay asul na ang ulap at sumikat na si Haring Araw.
Ang pagmamahal ng Diyos, parang softdrinks na maraming yelo sa gitna ng disyerto. So refreshing makapawi ng uhaw. Parang tubig mula sa ilog, sobrang nakakalinis kapag pinanligo. Parang puto-bumbong ‘pag simbang gabi, ‘di mo masimulan ang araw mo kapag ‘di ka nakakain. Napapangiti na lang ako every time na maiisip kong may isang totoo, wagas, at pure na nagmamahal sa akin. Haaaaay. Mas kinikilig pa ako sa love ni Lord kaysa sa chatbox namin ni Crush. Hihi.
Nakabangon akong muli. Dahil ‘yon sa grasya ng Diyos. Wala nang iba.
‘Happy Mother’s Day, Mama! I hope you are proud.’