#YouAreLoved at #TheFeast
‘Di ko akalain na sa pagsisikap kong makapag-serve kay Lord ay doon pa ako muntik nang mapahamak.

I am a lay missionary. While I was assigned sa province para sa misyon na ihayag ang Salita ng Diyos, I was sexually harassed by my office head. Hindi natuloy sa rape, kasi sobrang bait ni Lord at gumawa Siya ng way para malusutan ko ang pangyayaring iyon. Pero hindi ako nakatakas sa isang bagay: trauma. Simula nung nangyari sa akin ‘yun, lagi na akong nanginginig sa takot.

Since I was assigned by a reputable organization for this mission, hindi ko na p-in-ush na magsumbong sa pulis dahil number one instruction sa amin ay ingatan ang pangalan ng ministry na kinabibilangan namin.

Humingi ako ng tulong sa kaibigan ko na agad namang nagbukas ng matutuluyan ko para makalayo ako sa office head ko. Pero ramdam ko ‘yung judgment, ‘yung pag-aalinlangan sa part niya. Na ikinagulat ko. Sa mga pagtatanong niya sa akin, halatang duda siya na hindi ako nagbigay ng motibo. So I tried to seek comfort sa boyfriend ko na nasa Manila that time. Again, judgment ulit ang natanggap ko. Hindi niya ako naintindihan. Akala niya nag-give in ako, at naisip niya pa na baka ako ang nag-provoke. Sobrang nasaktan ako.

Hindi ko naging option na sabihin sa parents ko dahil for sure, pahihintuin nila ako sa chosen field kong ito ‘pag nalaman nila. So I kept it to myself. I tried to seek help din sa pinaka-head namin sa main office na nangakong aaksyunan ang nangyari sa aking pang-aabuso. Pero hanggang ngayon malaya at masaya na parang walang ginawang mali ‘yung office head ko; dahil sa kanya na rin mismo nanggaling na malapit siyang kaibigan ng main office head namin.

That time, sobrang down ako. Hindi ako makakain. Hindi ako makapag-isip nang maayos. Tulala ako palagi. I couldn’t function normally to the point na nag-leave ako dahil naramdaman kong hindi ko na kayang mag-serve kay Lord dahil sa nangyari sa ‘kin. I was so devastated. I kept asking myself kung ako ba ang mali kung kaya nangyari ‘yun. Nanlaban naman ako, hindi naman ako nang-akit. Pinili ko ang tama. Pero every time na maiisip kong baka ako nga ang mali, sobrang nasasaktan ako.

Na-depress ako lalo nung marinig ko sa isa sa mga kaibigan ng main office head ko na nakaalam sa nangyari sa ‘kin na, “Hindi ka naman pala na-rape, okay lang ‘yun.” Parang pakiramdam ko nawalan ako ng karapatang maramdaman ‘yung nararamdaman ko.

I felt so alone. Wala akong malapitan, wala akong mapagkatiwalaan. Naghahanap ako ng taong makakaintindi sa ‘kin, pero ang ending, wala. Araw-araw umiiyak ako at diring-diri ako sa sarili ko ‘pag naaalala ko ‘yun. Pero OA nga kasi ‘di naman natuloy sa rape. Ang sakit pa rin. ‘Di ko kasi matanggap na nangyari ‘yun. I was at that point in my life na gusto ko nang magpakamatay sa sobrang loneliness and emptiness na nararamdaman ko, pati ‘yung feeling na walang nakakaintindi sa ‘kin.

Then I remembered The Feast. Pagkaluwas ko ng Manila, I decided to attend The Feast. Every Sunday, walang palya. And that’s when healing started.

Pinakatumatak sa ‘kin ‘yung message from Bro. JC Libiran during the talk series na Bleedership: How Leadership Is Sacrifice. Ang sabi niya:

“Transform your brokenness into blessing to inspire others.”

“Transform your wounds into wisdom to heal others.”

“Transform your scars into stars to guide others.”

At that point, I realized na siguro may dahilan bakit ko ‘yun pinagdaanan :) It might help, especially missionary ako. Though masakit talagang tanggapin. :(

Tapos inspired din ako sa tagline ng Feast na “You Are Loved.” Kasi, after that experience, na-feel ko na wala palang taong may concern sa ‘kin. Pero later on, na-realize ko rin that I am deeply loved by God kahit ano pang nangyari sa ‘kin. Every time na maaalala ko ‘yang tagline na ‘yan or mababasa, I feel blessed lagi.

I was healed — emotionally, mentally, spiritually. After hearing all the talks na parang hinanda lahat para sa ‘kin, naramdaman ko na sobrang blessed ako kahit nangyari ‘yun sa ‘kin. Kasi, once again, I appreciated the love of God that I had been taking for granted. Dati, basta alam ko lang mahal ako ni Lord, tapos na. Pero ngayon, deeper na ang meaning ng love ni Lord sa ‘kin. ‘Yung love na hindi ko na kailangang ipamalimos pa. ‘Yung understanding and comfort na Diyos lang ang kayang magbigay. ‘Yun ang na-gain ko. At ‘yun ang naging dahilan bakit ako naka-recover.

Ngayon, okay na ako. Minsan, naaalala ko pa rin at naiiyak pa rin ako. Pero alam kong recovered na ‘ko. Nung minsang nag-retreat kami at nai-share ko ang experience kong iyon, maraming nagsabi na, “Buti naka-recover ka agad? Buti okay ka na?”

All I could say was, “Hindi ko kayang mag-isa. Pero dahil kay Lord, nakaya ko.”

Kaya thankful ako kay Lord. Sobra! Dahil may Feast na naging way Niya para i-heal ako. It may be shallow for some people, pero sa ‘kin, sobrang laking action ito ni Lord sa buhay ko na never kong malilimutan.

__________

Visit us at The Feast and feel the unconditional love that has been waiting for you all along. For locations, schedules, and updates, go to http://bit.ly/FeastLocations or download THE FEAST app on Google Play or App Store.

For counseling needs, visit https://www.facebook.com/lojpastoralcare/.

* Photo by Mark Jopette Bryle Bongolan (used for visual representation only; subjects not related to the sharer)

Categories

This Is A Custom Widget

This Sliding Bar can be switched on or off in theme options, and can take any widget you throw at it or even fill it with your custom HTML Code. Its perfect for grabbing the attention of your viewers. Choose between 1, 2, 3 or 4 columns, set the background color, widget divider color, activate transparency, a top border or fully disable it on desktop and mobile.